Latest News

Bagyong Frank sa Pilipinas

Habang ang mga lokal na media ay namumutakti sa pagbabalita sa mga nagkalat na balita patungkol sa mga pinsalang nagawa ng Bagyong Frank, ang CNN News naman ay nakakatuwa rin namang ginawa ang ganung pagbabalita. May kung sampung minuto sa bawat international news patungkol sa lumubog na MV Princess of the Stars. Naisip ko lang, kung wala pang ganitong mangyayari, hindi lilitaw na may bansang Pilipinas na ipapalabas sa CNN News.

Nagtataka pa ‘yung news anchor sa CNN kung bakit daw hinayaang maglayag ang MV Princess of the Stars gayong alam naman na may paparating na bagyo. Lahat naman ‘yun ang tanong, Bakit nga ba? Sino ang pumatay kay Ninoy? Bakit may itlog ang sisig sa Manila? Totoo ba ang kwento patungkol sa Golden Buddha at Yamashita Treasure? Natatakot ka rin ba sa itsura ni Imelda? Hindi pa pala tapos ang seryeng “Lobo”?

Para bagang tribute sa lumubog na MV Princess of the Stars, nakita ko ang video na ito sa Youtube.com. Pamatay ang background music nito, kanta ng Asin na pinamagatang “Wala ka bang napapansin?” [Well, actually, may napansin ako: Bakit ganyan ang background music?] Makikita sa video ang mga larawan ng mga “iskwater” sa mga tabing-ilog, mga larawan ng paghagupit ng Bagyong Frank, at mga malulungkot na tao (na sa kung ano ang dahilan, ayaw kong manghula). Hindi ko talaga alam, pero natatawa ako sa video na ito. Nais ko tuloy isipin,

“Oo nga noh, baka naman kaya tumaob ang barkong MV Princess of the Stars ay dahil sa polusyon? Hala! Hindi pala kasalanan ng Sulpicio Lines; kasalanan pala natin.”



Sa ibang balita, nahirapan ang mga rescuers na hanapin ang dalawang naanod na mountaineers sa Zambales; hindi pa raw lumulutang ang mga ito.
Tags: , , ,

About author

Curabitur at est vel odio aliquam fermentum in vel tortor. Aliquam eget laoreet metus. Quisque auctor dolor fermentum nisi imperdiet vel placerat purus convallis.

0 comments

Leave a Reply